Friday, January 23, 2009

HUWAG MONG ISMOLIN

Porky: Choppy pinagalitan mo daw yung pamangkin mo nung nasa Tondo pa kayo!
Choppy: Kasi ba naman lahat ng bagay pinagpapansin pa!
Porky: Ano ba yun?
Choppy: Kasi sabi nya Daddy Romy sawayin mo nga ang mga umiihi diyan sa
Iskinita ninyo dahil bumabaho!
Porky: Anong sabi mo?
Choppy: Maliliit na bagay lang iyon Marlon, napapansin mo pa!
Porky: Anong sabi niya?
Choppy: No! Dad! Malalaki po! Sure ako. Malalaki talaga!
Porky: Inaanng

IF YOU WANT TO RECIEVE "free " NEW JOKES FROM THE PORKCHOP DUO JUST E-MAIL ME AT choppyporkchop@yahoo.com - Choppy

NAG-IINGLES SI JUNIE

Porky: Choppy kasama mo daw si Junie kahapon sa Century park Sheraton?
Choppy: Ah! Oo nainiinis nga ako eh!
Porky: Bakit?
Choppy: Kasi nung nasa elevator kami ingles ng ingles!
Porky: Ano ba ang nangyari?
Choppy: May nabangga kasi siyang puti sa loob ng elevator sabi nya ‘sori!’
Porky: Tama naman a!
Choppy: Sumagot naman yung puti’ Sorry too!’ bah! Sumagot uli si Junie!
Porky: Nang ano?
Choppy: Sorry three daw! Nagsalita uli yung puti! What are you sorry for?
Tumingin si Junie sa akin ‘tol sorry four daw?
Porky: Anong sabi mo?
Choppy: Pinandilatan ko siya at hindi na ako kumibo pa hahaba lang eh!
Ang hirap nagsalita uli si Junie ng ‘Sorry five!’
Porky: Buti! Hindi naasar yung puti!
Choppy: Anong hindi sinigawan si junie ‘I think you are sick!’
Porky: Eh! Di natahimik si Junie?
Choppy: Natahimik? Sumigaw nga uli eh!
Porky: Anong sabi?
Choppy: Sick? You are seven and eight sir! And that’s the end!
Porky: Ngee!

WEDDING GIFTS

Choppy: Porky anong iniregalo mo sa misis mo nuong first anniversary ninyo?
Porky; Pinapasyal ko siya sa Hawaii sa mga magulang niya!
Choppy: Eh! sa silver anniversary ninyo anong ireregalo mo naman?
Porky: Eh! Di susunduin ko na siya!
Choppy: Ngee!

ANG KARERISTA

Porky: Anong hinihimas mo dyan sa ulo mo choppy?
Choppy: Binatukan kasi ako ng Misis ko
Porky: Bakit?
Choppy: Kasi nung isang araw may nakita siyang maliit na sulat na nakalagay brown
Beauty at may number binatukan ako!
Porky: Anong kinatwiran mo?
Choppy: Sabi ko pangalan ng kabayo iyon at ang number yun ang prueba ng takbo nya
Sa Dividendazo. Eh! Nung isang araw binatukan uli ako
Porky: Bakit naman daw?
Choppy: Tumawag daw kasi yung kabayo ko!

SIMPLENG USAPAN LANG

Choppy: Ano yun Porky na di mo naituloy na kwento kanina?
Porky; Ah! Kasi may problema nung mga nakaraang araw kung paano sasabihin
Sa asawa ko na may mabaho siyang hininga at ako naman ay may mabahong
Paa! Nasolve ko na din!
Choppy: Anong ginawa mo?
Porky: Simple! Kinausap ko siya ng masinsinan
Choppy: Dapat! Anong sinabi mo?
Porky: Sabi ko ‘Alam ko na darling sasabihin mo sa akin na nakain mo ang mabaho
Kong medyas!
Choppy: Innaaang!

ROBO COP

Choppy: Porky alam mo dapat tularan ng Pinas ang ibang bansa!
Porky: Pagdating saan?
Choppy: Police discipline Minsan kasi isang police ang nahuling nakainom ng alak
Habang nakaduty! Tinanggal agad yun sa serbisyo!
Porky: magaling!
Choppy: Tapos isang beses may isang pulis na nakauniporme pa ang pagewang gewang!
Ng tanungin nila di nila maintindihan ang sinasabi! Ginawa nila nilagyan nila
Nung pantesting na sinusubo sa bibig. Bah! 0-0-walang naregister!
Porky: baka sira yung aparato?
Choppy: Hindi naman!
Porky: Eh! Bakit ganoon?
Choppy: Si Robocop lang pala yun at kulang lang sa langis!
Porky: Ngeee!